PANGASINAN - "Pang-asinan" which means a "salt making place" a "land of salt making". Pangasinan is rich in history, from the famous landing of Gen. Douglas McArthur in January 9, 1945 in Lingayen to festivities like "Bangus Festival" of Dagupan City and recently the Guinness World Record of "puto" mosaic in Calasiao. Di ba astig? :)

Konting geography at history muna tayo. Hehe.. Lingayen ang capital ng Pangasinan. May apat (4) na city, Dagupan, San Carlos, Urdaneta at Alaminos. Forty four (44) naman ang munisipyo (hindi ko na iisa-isahin baka tulugan nyo tulad ng pagtulog sa history class). 

Image by Roel Balingit
Halo ang dialekto dito, may Pangasinan, Ilocano at Bolinao. Opo may sariling dialekto din and Bolinao. At ang tawag po dito ay "Binobolinao".

Maraming produkto ang nanggagaling dito. Major supplier ng isda tulad ng bangus sa Luzon. Hinding-hindi siyempre mawawala ang pagawaan ng asin, bagoong at alamang. Sa pagtatanim naman, palay, manga, mais at tubo. Ang ganda nga eh! May produkto mula sa dagat saka sa bukid. Kaya maraming luto ang matitikman dito. Hmm.. Sige, mag post din ako kung paano lutuin ang mga authentic Pangasinense dishes. Nagutom tuloy ako. ☺
  
Lilinawin ko pala! :) "PANGASINENSE" po ang tawag sa mga taga Pangasinan. Hindi po "Pangalatok" o  "Pangalatot". Nung unang panahon kasi, nag-away ang mga Pangasinense at Ilokano. Hindi kasi maintindihan ng mga Ilokano ang salita sa Pangasinan. Sabi nila, "Kasla kayo nga agtogkik nga manok no agsasao" (Para kayong manok na may sipon pag nagsasalita). Panga-la-tok galing sa Panga(sinan), (kas)la, to(gkik) at man(ok). Kaya yun, insulto yung Panglatok. Ok? Hehe..

Pero siyempre hindi magpapatalo ang mga Pangasinense. Bumawi sila! Sinabihan nila ang mga Ilokano, "Sicayo ya Ilocano agyo amtay mampuniti no milaban, kapara kayoy asilok ya otot, mangkogtokogtot" (Kayong mga Ilokano hindi nyo alam manuntok pag nakikipaglaban, para kayong takot na dagang tumatalon). In short, tinawag nilang "Ilokogtot" (Ilokano, kogtot, otot) ang mga Ilokano.

Nagkabati-bati din sila kaso yun nga lang, naiwan na at naitatak na sa ibang tao yung mga
tawagan. Dapat "Make love not war!". Hehehe.. 

Sige, dito na lang muna. Abangan nyo yung mga gala na pupuntahan natin. Saka kung may correction, violent reaction, suggestions, comment niyo lang sa baba. Mag translate din ako ng mga salitang Pangasinan. Ingats! 😁

Pangasinan to Tagalog:
Inaro ta ka! (Mahal kita!)

Comments